Catfish fingerlings of DI-ROMA Integrated farm ready for disposal

Isa sa mga natulungan ng DOST sa pamamagitang ng programang Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) ay ang DI-ROMA Integrated Farm na pagmamay-ari ng mag-asawang Melchor at Fe Domingo. Sila ay parehong rehistradong public accountant ngunit nung nais nang magretiro ay napunta sa fish farming ang kanilang ideyang negosyo.

Simula noon, pinag-aralan na ni Ginoong Domingo ang mga payak at makabagong teknolohiya ng pag-aalaga ng hito at pangasius at naiimbitahan din siyang maging tagapagsalita sa mga forum ukol sa pagpaparami ng fingerlings ng mga ito. Samantalang si Ginang Domingo ay pinag-aralan ang pagpoproseso ng hito tulad ng pagbuburo. Ang naitulong ng DOST sa kanila ay ang pag-upgrade sa pagha-hatchery ng kanilang kasalukuyang grow-out ng hito at pangasius.

Sa ngayon ay tumaas na ng dalawang daang porsiyento (200%) ang kanilang production at dumoble ang kanilang kliyente.

Ikaw ba ay taga-Isabela at nais magpa-upgrade ng iyong grow-out at magproduce ng mga fingerlings kagaya ni DI-ROMA Integrated Farm? Pumunta lamang sa aming tanggapan na matatagpuan sa ISU Compound, Sinabbaran Road, San Fabian, Echague, Isabela o mangyaring tumawag o magtext sa aming numero bilang (+63) 977-824-4360 upang malaman ang tulong na pwedeng mapakinabangan mula sa aming mga programa.

#ScienceforthePeople #STIforSMEs

 

Leave a reply